Monday, April 1, 2013

Try mo mag-wall climbing! Mas masaya yun kesa sa ginagawa mong social climbing.

Maulap ang kalangitan
Lumilipad na langay-angayan
Mga puno'y nagsasayawan
Ang mga bata ay nagtatawanan
Mga followers mo'y nasisiyahan
Scroll lamang ng scroll na parang walang katapusan
pero shet nagtweet ka, at nasira ang tula ko kasi sabi mo "just bought these so masaya like hell *insert link ng picture*" Tapos yung picture, nakafocus dun sa tatak nung binili. I PITY PEOPLE. I JUST DO. THEY DON'T REALIZE THAT THEY'RE ACTUALLY PAYING FOR THE BRANDS, NOT FOR THE ITEMS. Te, may pambili din kami ng ganyan at yung iba sa amin, may ganyan pero di na kailangan pang picturan at ipost sa public. Kahit sabihin nating maayos pa yung caption nung photo, hindi pa rin magandang tignan na pinagmamayabang mo ang kung anong meron ka. Malay natin, sale nung nabili mo yan.

Exceptions:
Aminadong pinagmamayabang nila, swear, mas maganda pa tignan.
WALA NA KASI NAKAKAINIS TALAGA
Alam kong sarili nilang mga buhay yun, at di ko sila dapat pakielamanan, pero nabubulabog kasi ang mga masasayang tao. Kahit sabihin nating picturan mo kung ako ang nasa loob ng ref niyo, eew pa rin tignan. Feeling mo sosyal ka na niyan? Mayaman ka na niyan? Kadiri tignante. Parang first time niyong magkaganyan sa loob ng ref niyo. Wag masyadong pahalata.

Malaki ang pagkakaiba ng sosyal sa pasosyal. Tho parehas na nagflo-flaunt ng "kayamanan", madaling i-distinguish ang natural na sosyal sa hindi. 

Examples:
At Starbucks
Sosyal: Chill lang. Inom lang ng kape kasabay ng pagaga-gadget, at kung may picture man, kadalasang group shots lang
Pasosyal: Fifty pictures agad sa isang pasok sa Starbucks yung tipong halos magkakapalit na sila ng itsura nung baso kasi dikit na dikit yung baso sa mukha
Branded ang damit
Sosyal: As much as possible, ayaw na ulit isuot kasi nga marami siyang damit
Pasosyal: Halos lahat ng pictures niya sa Facebook, yun yung suot niya, at hangga't maaari, kita yung name ng brand dun sa picture
May bagong gadget
Sosyal: Gagamitin lang, chill lang, pero may mga nagpipicture din
Pasosyal: Pipicturan yung gadget, ipopost sa internet, ipapamukhang may ganon siya, pati box may picture baka daw kasi isipin ng ibang ninakaw lang niya yon
Sa pagsasalita ng English:
Sosyal: Minsan, shallow words lang ang gamit, nakikibagay sa kausap
Pasosyal: Gagamitin ang isang word kahit di alam kung ano talaga ang ibig sabihin, gamit ng gamit ng English language ng wala sa lugar. Stuffs ba kamo? Stuffs mo mukha mo. Know the basics first like the difference between it's and its.
Kumain sa isang mamahaling restaurant
Sosyal: *I don't give a fck, ilang beses na akong nakakakain dito*
Pasosyal: May picture yung pagkain, may picture siya,  may picture siya kasama yung pagkain, may picture sa cr ng restaurant, may picture kasama yung waiter, kasama yung utensils, kasama yung catsup, patis, suka, toyo

May mga mayayaman namang praktikal katulad ng aking kaibigang si Mikaela. Hi, Mika! Kung binaasa mo man 'to, gusto ko lang sabihing tuwang-tuwa ako sayo kasi kahit mayaman kayo, di ka nag-iinarte, di mo pinagmamalaki yung mga gamit niyo sa bahay, mga kinainan niyong restaurants. God Bless!

Umarte ng ayon sa ganda. Te, kung di bagay sayo, wag nang ipilit pa. Di porket may tatakipopost mo kaagad sa internet. Lalo naman yung mga taong brandless na nga, medyo cheap, ipopost pa sa internet, iinstagram pa. Medyo baboy. Medyo halatang pasosyal. Medyo SOBRANG NAKAKAINIS. Di ko gets yung sense ng pagpopost ng kung anong meron ka sa internet. Di naman niyan mapapawala yung chlorofluorocarbons. Pwede bang gamitin mo na lang ang mga bagay na pagmamay-ari mo nang di ka nambubulabog sa iba? Naniniwala akong isa itong hakbang para maging payapa ang mundo. Kaya hangga't maaari, iwasan nating ipagmalaki ang kung anong meron tayo dahil maiinis ang ibang tao at baka gerahin ka. Sige kaaaaaaaaa.









No comments:

Post a Comment