Saturday, October 27, 2012

Sadness that is beyond description and that tipsy feeling

Anong meron sa title? Wala lang haha, sorry naman yan kasi pumasok sa utak ko. Ang gusto ko lang sabihin ay yung depression na yung feeling mo suicide na lang ang solution at yung tipsy feeling, yung parang high na high ka. Ang arte ko diba. Pagbigyan, minsan lang eh.

Dahil nauna sa title yung sadness, this time uunahin ko yung tipsy feeling which is madalas kong maramdaman kahit hindi naman ako umiinom. Ewan ko ba minsan talaga parang ayaw na talaga tumigil ng bibig ko sa kadadakdak tapos buhay na buhay ang mga blood vessels ko. Ang sarap kaya sa feeling non kasi feeling ko pag ganon yung mood ko, wala akong problema. Lalo na pag kasama mo pa yung mga baliw mong kaibigan at pare-parehas kayong high. Perfect! Eh kasi, nakakatimang kaya yung patay na bata ka lang sa isang sulok. It's time to wake up! You're missing three-fourths of your life. Ang saya saya saya kaya maging high. Pauulit-ulit na yung  thought ng paragraph na 'to haha. Pero swear, hirap talaga ako i-control sarili ko pag high ako basta. Gusto ko hindi lang ako yung high gusto ko yung mga nasa paligid ko rin.

Nagkaron na ba kayo ng thought na magpakamatay? Ako, hindi pa at sana wag at sinabi ko na sa utak ko na never niyang isipin yun. Eh kasi naman buti nga pinahiram pa sayo yang buhay na yan tapos ikaw mismo yung mag-e-end? Sayang naman, nakakalungkot. Iniisip ko nga, siguro yung kalungkutang pinagdaanan nung mga nagpakamatay, sobrang tindi or maybe not because some commit suicide because of love problems. Gaysht love problems na yan. (haha sorry for the words) Pero kasi, mahirap ba talaga mag-move on? Pakiexplain sakin please. (paki na nga, please pa) I mean, why d'you have to end your own life just because of petty reasons? Parte na ng buhay natin ang mga problema, diba. Sige nga, magibigay kayo ng pangalan ng taong never naka-experience ng problema kahit yung kulang ng piso yung pamasahe niya. Siguro mali lang ako kasi wala pa naman akong masyadong experience sa buhay para masabi ang ganito. Siguro, yung iba nagpakamatay dahil sa sobrang kahihiyan, sobrang laking utang at iba pa pero sana wala na akong mabalitaang mga ganitong bagay. Committing suicide won't solve your problems. Don't even dare to count it as one of your options.

Keep your serotonin levels high and stay strong! //paalam




No comments:

Post a Comment