Wednesday, September 19, 2012

The most valuable things are priceless.

Bi-nu-bu-lag ta-yo ng mun-dong i-to.  Most of us were blinded by the earthly things life has to offer. Masyado tayong naaapektuhan ng mga materyal na bagay up to the extent na mas pinapahalagahan na natin ang mga ito kesa sa mga mas importante talaga. Bakit kaya, no? Dahil naiimpluwensyahan tayo ng mayayaman at gusto nating maging katulad din nila? Marahil dahil sa inggit.(yes, marahil! hahaha) Pag kasi nabuhay kang forever inggitera/o, parang sinasabi mo nang binuhay ka para maging katulad nila which is wrong. Dapat alamin natin yung purpose bakit pinahiram sa ating ang buhay na ito. 

The mere fact that some people are really after the material things, I can't  understand. Diba nga, yung iba nagpapatayan pa dahil sa pera. Gamit ang pera, mabibili mo lahat-orasan, kama,gamot pati partner. Pero yung mga mas mahahalaga pa sa mga ito, yung oras para sa pamilya, oras para magpahinga, paniniwalang gagaling ang isang nakaratay sa banig ng karamdaman at pagmamahal, hindi kayang bilhin ng pera kahit magkano pa yan. Kayang bilhin ng pera ang partner. Pero kahit pakainin mo na yan ng pera, kung hindi ka talaga niya mahal, wala kang magagawa. 

Wait, ang gusto ko talagang ipunto dito ay yung mga *insert appropiate term here* na tao. Yung mga nakakaramdam ng tuwa dahil sa mga materyal na bagay at ipopost pa sa internet yung picture. I'm not saying that people of this kind envy rich people.  Medyo malayo na sa title 'to e. Ayoko talaga nang nakakakita ng mga ganto/nakakabasa ng ganto: "i bought a new dress, guys. here's the picture" at "ate our lunch at*insert mamahaling restaurant name here* omg the food was delicious."  at pinakaiinisan ko talaga, yung nagpopost ka pa ng picture ng kahit anong bagay na akala mo, ikaw lang ang meron o di kaya, pagkain na ikaw lang pa lang ang nakakatikim. Para saan pa? Hindi ka naman makakatulong sa iba kaya kainin mo na lang yan. Wag mo na picturan pa. 

Ang pakilamera ko no? Sorry. Kalayaan niyo namang gawin ang kahit anong gusto niyo kaya wag niyo na pansinin ang post na ito. //paalam

No comments:

Post a Comment