Sunday, September 30, 2012

Mash-up

Mahaba itong na ito dahil ang tagal ko na walang post kaya naipon lahat ng rants, experiences at iba pa. Naipon ko na lahat pwera sa pera. 

Una, yihi i love you, Cavendish. Kasi, the past weeks, na-feel kong closer na kami sa isa't isa. Yung pakiramdam na dati, di ko pa feel na mga kaklase ko pala yung iba. But now, I can no doubtingly shout to the top of my voice that I'm very thankful because I found them. Kahit na hindi kami pare-parehas ng taste sa mga ibang bagay, masaya pa rin kami. Ayun lang tapos ang sobrang bait pa ng adviser namin. Ganito kasi yan, pag may mga parctice kaming pangbuong klase, pumupunta siya tapos nagdadala siya ng pagkain. Hindi nga lang niya kami napuntahan nung nagprapractice kami para sa aero kasi busy ata siya. Salamat,ser! We love you!

Nakakamiss yung mga Auti, bow. Si Roma, di nakakamiss haha joke. De, yung closeness kasi naming apat. Si Dave, nasa kabilang section na. Si Russel naman, madalas kasama sila Andrey at Jommel. Pero kami ni Roma, haha sino yun di ko nga kilala yun eh. De basta nakakamiss yung closeness naming apat. Di naman kami pinapabayaan ni Russel pero mas madalas na niya kasama yung iba. Si Dave naman, naging close na sa boys ng section nila. Pero at least, hindi pa naman nawawala yung time para mag-usap usap kami. 

May nabasa akong status ng isang alumnus ng school namin. Sabi don, "Malandi siya pero binigyan mo siya ng motibo kaya nilandi ka." One of the best statuses I've ever read. Sabi ka ng sabi ng "ang landi niya kasi" pero kung pinapakita mong parang nagseseduce ka (hahahahahaha), lalo siyang maeengganyong landiin ka. At kung ipapakita mong gusto mo rin, mas gugustuhin niya pang landiin ka. Kaya wag lumandi! Lalo na kung ayaw sayo ng tao. ☺

Kailangan ko na talaga magsipag!!!!!!!! Eh kasi, pinupush talaga ako ng nanay ko sa UP. At gusto ko rin talaga don. Pag di ako pumasa don, sa PLM bagsak ko. Ang mahal kasi ng tuition ng course na gusto ko kunin. Trisem pa. Eto na talaga, I'm serious magsisipag na po talaga ako. At napagdesisyunan ko na pag naging successful ang pagsisipag ko, or pag nagawa ko man yun, iti-treat ko sarili ko. Isa pa, nakakaguilty naman kung babalewalain ko na lang yung effort ng nanay ko. naghahanap na siya ng bahay malapit sa UP tapos sabi niya pa sakin pag pumasa daw ako don, ibibigay niya kahit ano pa daw gustuhin ko. Sana talaga kaya kong gawin.

Prom thoughts jugbderugujhkuyhie. Okay, pupunta ako kahit anong mangyari kasi ako lang yung anak ng mga magulang ko na magsusuot ng gown. Lahat ng mga kapatid ko, magtu-tuxedo. Honestly, di ko pa alam kung ano susuotin ko. Kulay puti daw sabi ni Francia kung kaya kong dalhin. Pero syempre, kahit ano pa suot ko, lalafang meh. Hahahaha. At tsaka sasayaw ng bungga. Pero gento kasi yan, may dream prom proposal talaga ako. Gento yun: Ayoko ng tatanungin ako kung pwede ba ako i-date bago magprom. Gusto ko, sa mismong prom na. Yung kunyari, nasa loob na kami ng venue. Tapos tumugtog na yung first song, lalapitan ako tapos tatanungin. Tapos bibigyan ng flowers. Hahahahahaha. Syempre pangarap ko lang yun. Mas masaya kaya pag mga kaibigan lang kasama mo. Wala pang boundaries.

Some grade seven students from my school are really disappointing. Ano feeling nila? Poket nakapasa na sila dun, mataas na sila? Simula pa lang yan. Kami ngang isang taon na lang, gragraduate na, hirap na hirap pa rin eh. Mga wala silang respeto. Ang dami ko ring nababasa/naririnig na bad comments tungkol sa kanila. Kasi ganito yan, nagpost ako sa sixth floor nung September 27,2012,culminating activity ng science month. Si Neil yung nasa kabilang side. Bumaba na yung mga grade seven. Tapos may isang babae na kinalabit niya yung kasama niya tapos nagsalute siya sakin. Ang pagsasaludo ay sign of respect para sa officers namin at para sa aming mga aspirants din, soon. Pero yung ginawa niyang yon, ay letse! Nakakawindang. Grabe sana naman  magbago kayo habang maaga pa.

Gusto ko ma-honor as Artemis. Eh kasi she's the goddess of hunting....and moon. Wala lang. Pati sa fourth year, kung walang gustong maging Artemis sa mapupuntahan kong section, ako na lang!!! Gusto ko kasi nung bow and arrow. Pero wala siyang asawa. Gusto ko rin magpasalamat sa mga kaklase kong naloko ko. Hahahahaha. Ang ibig kong sabihin, yung mga kaklase kong nagbigay sakin ng wreaths nila para kay Aphrodite. Kasi gento yan, pinagaaralan namin yung Olympian gods and goddesses sa social science namin. Tapos,  pinagawa kami ng wreaths ng teacher namin. Kada dalawang gods/goddesses na iddidiscuss namin isa lang yung i-o-honor. Pano ni-o-honor? Yung wreath namin, ibibigay namin sa taong sa tingin namin ay parehas ng god/goddess na iyon. Ang mga nadiscuss na namin ay: Zeus, Hera, Aphrodite and Poseidon. (yung mga naka-italicized yung ni-honor namin) Malayo pa birthday ko pero salamat sa maagang birthday gift! Love you all!

My October wishesssssssssssssss. Una, oh gosh periodical exams. Sana, wag naman po ako bumagsak at sana sipagin po ako. Di eh, kahit anong dasal ko, kung di naman ako gumagalaw, wala rin. Kaya let's get it on! Sana ilibre kami ni Russel. Hahahaha. Birthday niya kasi bukas, okay. (Maligayang bati, taba!) Sunod, Field trip and other events for this October! Sana maging masaya lahat ng Pascians at maenjoy namin lahat. Go, SSG! Kung matutuloy man uwi ni tita this October, sana maging safe siya. At alam niyo ba yung favorite ko na tita na yun, hahahaha favorite ko kasi dalaga pa at medyo spoiled ako dun. Hi, Mika and Lois! Maligayang bati sa inyong dalawa. Sana ma-enjoy niyo. God bless! Sana wag kayong magbago at i-bless kayo lalo ni God. Pati sa iba pang may birthday ngayong Oktubre!☺Yung allowance ng September and October, sana dumating bago magfieldtrip. Sana itong pigsa ko gumaling na kasi nakakahadlang siya sa iba kong gawain. (as if namang ang sipag ko okay) Lastly, happiness for everyone lalo na sa mga batang nagugutom, may kapansanan, naghihirap at iba pa. Wag kayo mag-alala, pag professional na ako, I'll try my best.


Ang daldal ko hahahahaha. Sorry for the looooooooooooooong post. //paalam









2 comments:

  1. Mag-yellow ka po! :)) Or blue gown. Yung parang kay Tiana ng The Princess and the Frog :) Wala lang sharing lang po.

    ReplyDelete
  2. Hindi ko alam yung Princess and Frog ano yun? Movie?

    ReplyDelete