Almost half of our class came from Fleming (my former section) eleven from Euclid, I guess and five from the others. Earlier this morning, the issue about the unity of our section suddenly floated because... Hindi ko alam yung dahilan talaga. Kasi may misunderstanding yung dalawa naming classmates tapos umiyak yung isa. Tapos biglang lumutang yung issue about unity. Sabi nung isa naming classmate, second quarter na daw tapos parang di pa daw kami united ganyan. Umalis na ako nun habang nagsasalita siya kasi sa totoo lang, nasaktan ako. It's like she's trying to say that we're not giving any effort just for our section to be united. Eh feel na feel ko na nga yung unity vibes eh!!! I admit, nung una ganun yung mindset ko. Ang tingin ko dati sa mga kaklase ko ngayon na di ko kaklase last year, mga nakakailang na tao. And I think it's normal kasi para ka namang baliw kung first day pa lang, close na kayo agad. FC na yun masyado. Seryoso, nung kasagsagan ng aero season, feel ko na talaga na mahal na mahal ko na sila tapos ganyan ngayon. We've been together for four months and unlike before, we are now closer to each other. Pero sa totoo lang, masakit kasi talaga. Yung akala mo okay na lahat tapos sila, iniisip pa pala nila yung mga ganon. Yung former sections tapos may kampihan daw. Honestly, di ko na talaga naiisip yung mga ganyang bagay. Thinking about those would just give us no good. It won't help us and it'd just make everything worse. Ang sakit kaya yung binibigay mo na nga effort mo para maging close kayo sa isa't isa tapos sasabihin na di kayo united. Sinamahan pa nila ng iyak. Grabe ayaw ko ng may umiiyak pag gento yung sitwasyon. Parang ang perspective ko kasi sa pag-iyak tuwing gento ang mga sitwasyon, parang gusto mo pagmukhaing masama yung kabilang side. nakakalungkot lang talaga.
Maganda rin yung ginawa ng adviser namin. Di siya nangealam. Sabi niya, we should be mature enough to handle situations like this. Pero parang masakit talaga na sinabi nilang parang may kampihan sa section namin. Lagi na lang daw yung mali nung isa namin kaklase na hindi Fleming last year yung napapansin. Eh kasi panong hindi siya mapapansin kung may mali naman talaga siya. Dapat nga, hangga't napapansin namin siya, i-prove niya saming mali kami. Maaayos din yaaaan tiwala lang. //paalam
No comments:
Post a Comment