Nowadays, media, sobrang laki talaga ng epekto sa atin niyan. Ano ba examples ng media? Tv, tv at tv pati pala radio pwede rin isama dito yung mga nakikita at napapanood natin online, diba? Para sa akin, media talaga isa sa mga pinaka-nakakainfluence sa atin bukod sa mga tao sa paligid natin.
May good effects naman ang media eh. Yung mga tv shows and movies na may lessons. At yung mga kantang may mabubuting mensaheng nais iparating. Tapos, lalo na yung tragic na mga palabas. Parang pag nanonood ka ng ganon, marerealize mong hindi ikaw yung may pinakamapait na kapalaran bagkus ikaw ay isang swerte pa kung maituturing kumpara sa pinagdadaanang hirap at sakripisyo ng iba. (Grabe, ang lalim ata nung mga salita ko. Miss Eden, papalitan na po kita! Joke.) Kidding aside, totoo naman diba. Katulad na lang ng mga palabas kung saan may mga batang hindi nakakakain samantalang yung iba sa atin minsan, ang pili sa pagkain. Tapos dahil sa media, nagiging updated tayo sa mga pangyayari. Ano pa ba? Basta alam ko meron pa pero kasi atat na atat na ako sa bad effects.
Tenenenenenenenenenenenenen!!! Bad effects.
Una, nagiging dahilan ng katamaran ang media or should I say yung iba kasi, hindi nagpra-prioritize ng maayos. Inuunang manood ng tv, ng movies, makipagchat, makinig sa music pero wala pa namang natatapos sa mga dapat gawin or worst, wala pang nasisimulan. (Sounds like I'm referring to myself hahahahaha)
Secondly, nagbibigay ng ideas ang mga napapanood natin sa mga kriminal. Oo kaya! Lalo na yung action movies, kagaya ng pagdaan-daan sa manhole, pagtatago sa kisame, pangre-rape, pagpatay ng kapwa. Ginagaya ng mga kriminal yan. I mean, siguro pumapasok sa isip nila pag ginagaya nila yung napanood nila, okay lang kasi hindi lang naman sila yung nakaisip non dahil napanood na nila parang ganon.
Secondly, nagbibigay ng ideas ang mga napapanood natin sa mga kriminal. Oo kaya! Lalo na yung action movies, kagaya ng pagdaan-daan sa manhole, pagtatago sa kisame, pangre-rape, pagpatay ng kapwa. Ginagaya ng mga kriminal yan. I mean, siguro pumapasok sa isip nila pag ginagaya nila yung napanood nila, okay lang kasi hindi lang naman sila yung nakaisip non dahil napanood na nila parang ganon.
Ikatlo, dahil sa mga napapanood nating palabas na love ang theme, feeling ng iba, mangyayari din sa kanila yon. Kaya hindi rin talaga natin masisisi yung iba kung nagpapakatanga sila sa mga pag-ibig eh. Pero kasi hindi fairytale ang buhay natin pwede ba. Hindi natin makukuha lahat ng gusto natin. At hindi lahat tayo ay magkakaroon ng "and they lived happily ever after" sa dulo ng ating mga kwento.
Pangapat, may mga napapanood kasi talaga tayong hindi mabuti yung maidudulot sa atin. Kagaya ng mga scenes na may patayan(pero ang sarap panoorin nun eh), may mga rape/bed scenes(kaya maraming malibog at rapists at narerape), pangaalipusta ng mayaman sa mahihirap(kaya maraming mahilig magpanggap eh), paggamit ng droga(kaya maraming drug addict eh) basta yung mga rated SPG. Mga hindi kaaya-ayang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror o droga. Pati sa mga kantang napapakinggan natin.
Marami pang ibang effects, mabuti at hindi pero gagawa pa kasi ako ng news report ko at baka ma-minus one buong klase namin sa Social Science, direct to the card. //paalam
No comments:
Post a Comment