Ipaliwanag niyo sakin bakit pag may dala akong payong, hindi ko naman nagagamit. Nasasayang yung effort ko. Pero pag umuulan + malakas na hangin yung halos tangayin na ako parang yung kanina, wala. Isa akong basang pato kanina. Ayoko ng basang sisiw kasi basta. Ayaw ko lang. Kasi nga sabi ko dun sa sa first post ko dito, I'm a duck.
Nakibertdey kaming mga hayahay (mga kasama ko sa COCC) kela Merry. 1st birthday ni Rheyn (Maligayang bati!). Kapatid niya pero ang pinaalam namin sa officers namin, gagawa kami ng project sa Computer Science though di kami magkakaklase. Nakikain(ang sarap ng cassava ba yon) at nakikaraoke kami. Apat na lang kaming natira non eh. Ako, sila Lois, Banquil at Japheth. Kasi kaming apat lang talaga yung nagtagal don. Si Merry, nasa loob ng bahay nila gumagawa ng project. Tapos ang tagal na naming kumakanta. Hanggang dumating yung time na kumakanta si Banquil at biglang bumuhos ang ulan. Hahahahahahahahaha. Umuwi na kami at sakto pagbaba namin sa palengke, bumuhos ang malakas na ulan at ako lang yung walang payong.
Fast Forward.
Pila yung tricycle jusme. Wala akong payong at walang waiting shed. Tuloy pa rin ako, pila pa rin kahit walang payong. Buti na lang, mabait yung ate sa likod ko. Sabi sakin, "Ate, silong ka na" Ang bait niya no. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman yung feeling na may "good Samaritan". I guess, ganon naman gagawin ng lahat diba. Ay hindi pala. Kasi yung kuya sa harapan ko na naka-maroon na polo at naka-earphones pa at checkered yung payong, parang di ako nakita. Puti naman yung uniform namin. I can't blame him. Kasalanan kong tamad ako magdala ng payong.
Natouch talaga ako kay ate kasi alam mo yun. First time talagang may ganon sakin. Siguro kaya di ako tinutulungan ng iba dahil mukha akong batang gusgusin(no, maganda kaya ako! joke) Madalang na lang kasi talaga yung mga gentong tao ngayon kaya nakakatuwa lang. Kaya nilibre ko siya ng pamasahe. Eh kasi, nakakahiya din naman nakaperwisyo na nga ako sa kanya.
Pipilitin ko talaga maging isang good Samaritan, guys! Kasi ang sarap sa feeling ng tumutulong at nakakatouch pag may tumutulong sayo. Salamat kay Merry sa paginvite. Salamat, ate! Hindi kita kilala pero di ka nagalinlangang tulungan ako. God bless you! Lord, salamat po dahil may mga gento pa pong tao. //paalam
No comments:
Post a Comment