Wednesday, August 29, 2012

Criticisms and Sensitivity

 Sa pagkakaalala ko, nung grade 6 ako nilesson namin 'to sa GMRC. There are two kinds of criticism. One is constructive at yung isa nama'y destructive. Both are self explanatory, I guess. The way you deal with criticisms is what really matters. Kung gaano ka ka sensitive/ lagyan mo ng "in" yung sensitive sa unahan, gaano mo papabayang apektuhan ka ng criticisms at kung paano mo lalampasan ang mga yon.

Constructive criticisms? Medyo madali lang 'to eh. Matutulungan ka ng mga itong i-improve ang sarili mo. Wag nga lang masyado up to the extent na feeling mo superior ka na. Magpapasalamant ka pag may nangcompliment sayo. End of convo. Hindi mo na kailangang pahabain kagaya ng "uy friend, ganda naman ng damit mo" syempre sasagot ka at sasabihin mo kung may kayabangan ka "sus, eto na nga pinakapanget kong damit eh" o di kaya, "mahal 'to. sa *insert sosyal na bilihan ng damit here (yung mga 5000 isang t-shirt)* ko binili" Mahirap mamuhay ng nasanay ka na na lagi kang pinupuri ng mga tao. Kasi darating at darating ang isang araw na may magcricriticize sayo. Since you're not used to it, hindi mo alam gagawin mo. Kung papabayaan mo na lang ba o sasapakin na siya. At kung sakaling may nangcompliment sayo, next time, ipakita mong nag-improve ka. Wag naman yung pinapahalata mo. Kasi kung magiging consistent ka, sa una ka lang niya mapupuri kasi pare-parehas na rin naman yung nakikita niya sayo. Wag kang pasikat. Yung tipong pag nakita ka niya next time, masasabi niyang "mas magaling ka na compared dun sa last time na napanood kita" o di kaya, "alam mo ba, everytime nakikita kita, nag-iimprove ka".

Mas mahirap makatuos ang destructive sa constructive. Kasi syempre, from the term itself.  Destructive. Hinihila ka pababa. Isa lang naman kasi kailangan mong gawin pag may mga gento kang na-encounter eh. I-G-N-O-R-E. Kasi isipin mo kung papatulan mo pa, palalakihin mo lang ang lahat, Wala namang mabibigay na benefit sayo ang pagpatol pati na rin sa nagcricriticize. Pero timbangin mo rin naman. Kung sobra-sobra na yung pangungutya na natatanggap mo kada minuto, magsabi ka na sa authorities. Hindi mo kayang lutasin yan mag-isa kung ganon na kagrabe. Hindi mo kailangan gumanti. Ang kailangan mo ay mega ultra improvement para hindi ka na i-criticize ng madalas. I'm not saying na dahil nag-improve ka, hindi mo na maiiwasan ang criticisms. Ipakita mo sa mga taong mali sila. Na hindi lang ganon ang kaya mong gawin. Lampasuhin mo sila. Walang mangyayari kung gagantihan mo rin siya ng criticisms. Ngitian mo na lang siya.

Pwede ko na isingit dito yung sensitivity diba? Kung sensitive ka kasi sa mga criticisms, mahihirapan ka, ati.  Kung mataray ka at ayaw mong naririnig yung ideas ng ibang tao dahil tingin mo kaya mo mag-isa, hindi.   Kung ang simpleng "uy hindi ganyan" ay nagpapainit ng dugo mo, isipin mo namang tinutulungan ka nung tao. No bad intentions. Pabayaan mo lang sila. be insensitive. Not physically pero in other means. Basta, ilagay mo lang sa lugar yung pagiging insensitive/sensitive mo. Paano maging insensitive? Learn to criticize yourself. Constructively and destructively. Kasi nga, mahirap mamuhay nang walang criticisms. Mahirap mamuhay ng puro na lang positive comments ang nakukuha mo at mahirap din ang puro na lang pangungutya ang natatanggap mo. Learn to deal with criticisms properly and be insensitive ng nasa lugar at magiging maayos din ang lahat. //paalam

No comments:

Post a Comment