Monday, August 13, 2012

Thoughts on Roths

Minsan, naiisip ko kung pag nakikita ba ako ng iba, napapasabi sila ng "wow, ang ganda naman niya" o di kaya, "Mabait daw yan si Ruth eh" or at least, "Nakakatuwa si Ruth. Ang kulit-kulit" Ewan ko ba kung may nakaka-appreciate ng ganda ko. =)))))) I'm serious.  I mean alam ko, hindi ako maayos sa sarili at hindi ako kagaya ng iba na suklay ng suklay at pulbo ng pulbo pero wala lang. Naiiisip ko lang talaga kung may nag-iisip ba na maganda ako kahit ang gulo ko. Yung pangalawa, yung "Mabait daw yan si Ruth eh", baka walang nag-iisip sakin nyan kasi malakas ako mang-asar. Sobra. Yung pangatlo naman, dun ako pinakakamatutuwa kung may mag-iisip man sakin ng ganyan kasi basta gusto ko isipin ng mga tao na hindi ako snob at happy kid ako at kahit sino kinakaibigan ko.

Yung una, yung kung maganda ba ako. Nagwo-wonder lang ako kung iniisp yan ng tao pero ayaw ko ng sinasabihan ako ng ganon, promise. Kasi basta. Gusto ko ako lang magsabi non sa sarili ko at crush ko hahahaha. Ang harot, k. Yung pangalawa't pangatlo, matutuwa ako ng sobra sobra pag sinabi sakin yan kasi wala akong pake kung pangit ako, ok? At least, may nagiisip na mabait ako at fun to be with. 

Honestly, I wanna be someone's idea of perfect. I know, nobody's perfect, wag ka na mambara. O sige, near perfect na lang. Yung maganda, mabait, masaya kasama, talented(huhuhu), matalino,palakaibigan at lahat na. Pero I'm miles miles away from perfection. Kahit near perfect, di ko reach. Poor Roths.

Lastly, iniisip ko kung may nagkakacrush ba sakin. Hahahahahahahahahahahahaha k. I'm so high para isipin pero malay natin diba(asa pa u) Iniisip ko kung may natutuwa ba everytime ngumingiti ako, nalulungkot pag malungkot ako, nagagandahan sakin kahit ang kulit ko. Mga ganyan ganyan. 

Haha k, matutulog na ako. //paalam

No comments:

Post a Comment