Sa panahon ngayon, maraming babae ang hindi na pinapahalagahan yung pagkababae nila. Yung tipong sila na yung unang lumalapit sa mga lalaki, sila na yung nag-eeffort and worst, sila na yung nanliligaw. At kung iisipin natin, madali na lang bumuo ng relasyon sa mga panahong to. Text, chat at iba pa, lahat yan, mga paraan na common na ngayon.
Bakit ba sa iba, big deal talaga yung pagkakaroon ng boylet. Despereada kumbaga. Well, hindi natin masisisi yung iba dahil sa henerasyong to, isa sa mga paraan kung pano ka nila i-ja-judge ay kung may girlfriend/boyfriend ka. Porket ba single ka, pangit ka? Tandaan, hindi lahat ng may karelasyon, maganda. At lalong hindi nasusukat ang pagmamahal sa itsura. At yung iba, dinadahilan na they need someone para maging inspirasyon nila. Wala kang mga kaibigan? Ulila ka na ba? Inipit ka na ba ng langit at lupa na parang ikaw ay palaman sa isang sandwich?
Nakakalungkot lang kasi ano na bang nangyari sa dalagang Pilipina? Yes, I have to be specific kasi sa ibang bansa, liberated naman sila at tanggap nila na ganon yung mga dalagita don. Pero sa isang bansa na may background na mahinhin ang mga dalaga, mahirap eh. Si Maria Clara, kinikilig-kilig yun dati at sinisilip-silip pa si Ibarra sa butas pero gets, malayong-malayo na sa henerasyon ng mga dalaga sa bansa natin ngayon.
May mali din sa ibang boys. Nag-aassume sila na sila si Adonis kaya hahabulin sila ng mga babae. Yung tipong kaya nila kuhain lahat ng babae. Yung totoo, koya? May twelve pack abs ka ba? Mahirap maging sobrang gwapo. Kasi masasanay ka na maraming may crush sayo at hindi ka mamumulat sa katotohonan na hindi pare-parehas ang tingin sayo ng tao. Di mo lang alam, maraming naiinis sayo. Hindi lang mga kapwa mo ng lalaki pero pati mga babae din. Hindi naman equal ang taste nating mga tao, diba?
Kaya tayong mga babae, dapat pahalagahan natin ang pagkababae natin. Kasi, hindi naman pare-parehas ng tingin ang mga lalaki sa atin. Kung sakaling ikaw yung nanliligaw sa lalaki at yung lalaking nililigawan mo ay pinatulan ka, ewan ko na lang. May mga lalaki kasing hindi papatulan yung ganon kasi gusto nila sila yung nag-eeffort. At tsaka seympre, masarap yung feeling na pinag-eeffortan ka.Hindi yung halos magpakamatay na tayo para sa isang lalaki. Hindi na pagmamahal yun. Obsession na yun. Wag magmadali, God has the best plans for us. Pero, makiramdam ka rin kasi malay mo, yan na pala yung plan sayo ni God pero iniiwasan mo pa. //paalam
No comments:
Post a Comment