Sabi nila, yung economy natin this year, lumampas pa sa expectations nila. Ang tanong, mapapanatili kaya natin ito? Ang sagot ay nasa ating mga kamay, sa government, particularly. Depende kung magiging maayos ang pamamahala nila. Depende din kung susunod tayo sa kanila. Depende din sa palit ng piso sa dolyar at iba pang currencies. Ang mga magiging presyo ng mga bilihin ay isa ding basehan.
Para sa akin, eto ang mga dahilan bakit hindi umuunlad ang ating pinakamamahal na bansa. Opinyon ko lamang. Kung gusto mong kumontra, ayos lang. Maglalabinlimang taon palang ako sa Disyembre and as expected, my ideas aren't concrete.
- Maging sa sarili nating bansa, may diskriminasyon. Hindi talaga natin 'to matatanggal e. Yung tipong makakita lang ng Muslim, akala mo may tinatagong kanyon sa bulsa yung Muslim na yon. May napanood akong documentary about Muslims. Syempre, nilabas nila yung feelings nila na nilalayuan daw sila ganyan. Pati mga tribo, hindi natin pinapatawad. Tinatawanan yung mga ritwal nila at mga paniniwala. Maging sa mga trabaho. Pinagtatawanan natin yung mga white collar jobs ba tawag dun or blue collar? Basta yung mga hindi professional. Yung mga janitor, driver at iba pa without even thinking gaano sila kaimportante.
- Lagi nating sinisisi ang gobyerno. Halos lahat ng nangyayari, sinisisi natin sa gobyerno. Kulang na lang pati baradong inidoro, isisi natin sa gobyerno. Tao din naman sila. Hindi sila mga super hero na kaya gawin lahat. Kailangan natin sila intindihin. May times talagang kasalanan ng pamahalaan pero aminin natin, kadalasan, tayo ang may mali. Kailangan natin magtulungan para makuha natin yung mga gusto natin para sa bansa natin. Hindi yung inaasa lang natin sa gobyerno.
- Gobyerno. Walang perpektong tao kaya walang perpektong politician. Walang namang pulitikong lahat ng projects na naisip niya, nangyari. At wala siyang nagawang mali at napakong pangako. Futuristic kasi tayo kaya nga iniisip na nila magiging pakulo nila sa darating na eleksyon kahit medyo malayo pa yun. Katulad ni Mayor Bobby. Hirap silang paalisin ang mga squatters sa Floodway. Bakit? Syempre, maraming tao dun at maraming boto ang mawawala. Masyado kasing importante ang mga bagay bagay sa atin.
- Mga inggitero't inggitera tayo. Pasensya na sa term. Pero sa tingin ko, yan talaga yung tamang gamitin. Kinukumpara natin yung bansa natin sa iba at sa huli, nadedepress lang tayo at naiinggit. Pano kasi, ikumpara ba naman sa Japan, USA at iba pa ang bansa? Compare tayo ng compare without even doing things para mapaangat tayo. Madalas nating isipin na sana, magbago na yung bansa natin pero sarili natin hindi natin mabago.
- Hindi tayo gaya ng mga ipis at daga. I mean kulang tayo sa sensitivity vibes. Katulad na lang ng Hagupit ng Habagat recently. Nangyari na 'to dati nung Ondoy pero bat ganon. Bakit parang first time to mangyari sa atin? Kulang talaga yung fund para sa calamities. Dapat nga, medyo malaki yun kasi unexpected yung mga yun. I'm not saying na hindi tayo nag-improve. Compared to Ondoy naman, mas prepared na tayo pero still, not enough.
- Kinakalaban natin ang mga namumuno sa atin. Masyado ata tayong naimpluwensyahan nila Dagohoy kasi hanggang ngayon, maraming tao ang against the government. We tend to contradict their ideas at pinagpipilitan natin yung atin. Yung tipong "ang bobo naman ni ano dapat ganyan ganyan" Yung iba nga, handa pa makipagpatayan diba. Pero minsan talaga, sa una naiiisip natin na may maganda tayong idea para sa certain thing na yun. Yung parang gusto na natin palitan yung mga nakaupo. Pero sa huli, yung kanila parin ang nasusunod kasi syempre, mas marami silang alam at tintignan nila lahat ng aspects.
- Kulang tayo sa disiplina. Sorry guys but we really do. Actually, all of the above falls under this. Pati yung isa sa baba. Lahat pinapakelaman natin pati lovelife ni Noynoy. Bayaan na lang natin siyang lumandi at hanapin ang babaeng magsisilbing buhok sa buhay niya na tanging kukumpleto ng buhay niya. Tapos kahit mga mahihirap, ninanakawan pa. Marami ring donya Victorina sa bansa natin. Mga nagpapanggap nang wala sa lugar. Pati sa pagdadrive. Nako. Ang daming reckless drivers pero minsan ang sinisisi ay ang structure nung daanan.
- Daldal tayo ng daldal bakit hindi umuunlad ang Pilipinas pero hindi tayo gumagawa ng move. Katulad ko. Ni-post post ko pa 'to as if namang mapapaalis neto yung mga squatters sa Westbank. Mapupunan ko ba ang mga kumakalam na sikmura ng mga bata sa Tondo. Reklamo tayo ng reklamo wala naman tayong ginagawa para magbago.
No comments:
Post a Comment