Saturday, August 11, 2012

Best feelings ever

Here's a list of the ten best feelings for me. The ten best feelings in my entire fourteen and seven months of awesome life. No particular order though.

  • Mailabas ang pingilan mong ihi/tae sa haba ng panahon. Eto una kong naisip kasi ang sarap talaga sa feeling. Yung parang bagong laya ako. 
  • Maglakad habang umaambon o di kaya, maligo sa ulan. Mas pipiliin ko ang ambon kesa sa araw, seryoso. Kasi pag umaambon at naglalakad ako, feeling ko sinasaniban akong kakaibang enerhiya. Masarap maligo sa ulan dahil feeling ko, bata pa rin ako pag ganon.
  • Hinaharot ka ng crush mo. This one sounds so gaaaaay but ang sarap talaga sa feeling eh. Yung tipong hindi na kailangang ako yung unang gumawa ng move. 
  • Ilike ng maganda yung picture mo. Nakakatuwa kasi pag ganon. Feeling ko ang ganda ganda ko. I know ang babaw and ginagawang big deal pero basta.
  • Having someone na laging andyan para sayo. Corny pero ang sarap isiping may isang taong handa akong pakinggan pag may problema ako at sasamahan ako sa lahat ng pautot ko.
  • Makainom ng malamig pagkatapos mong mapagod lalo na pag pawis ka. Ang sarap sa feeling lalo na after PE. Nako. After niyong magtatatakbo at magbilang ng 1-2-3-4-5-6-7-8-8-7-6-5-4-3-2-1 tapos iinom ako ng malamig, ang sarap lang.
  • Yung na-a-appreciate yung effort mo. Masaya ako pag na-a-appreciate yung effort ko lalo na pag sobra ko talagang pinag-effortan. Syempre yung feeling na nagpakahirap ako tapos matutuwa sila, masaya talaga.
  • Makapasa ka kahit hindi ka prepared pero mas nakakatuwa pag nag-aral ka taos ang taas ng score mo. Yung feeling na stock knowledge lang ginamit ko at hindi ako pinabayaan ni God. Tapos hindi ako bagsak. Pero pag prepared ako tapos ang taas ng score ko, masarap talaga kasi hindi nasayang yung effort ko.
  • Makatulog ng walong oras o higit pa. Kasi pag eight hours, complete na at ang sarap sarap ng feeling pag kumpleto yung tulog ko. Feeling ko narerestore ko lahat ng nawalang energy dahil sa kakulitan ko. Pero minsan na lang yun mangyari ngayon. Sad life.
  • Makapagsimba. Makasalanan ako tho I'm a Christian. At every Sunday, nafifeel ko yung presence ng Holy Spirit sa church which makes me feel blessed. At dun ko nararamdaman na tanggap at pinapatawad ako ni God kahit ang daming kasalanan.
//paalam

No comments:

Post a Comment