Sino na ang nakakita ng picture na 'to? Nung una ko pa lang 'tong nakita, humanga na talaga ako sa pulis na yan kasi SONA yun, expected na na maraming protesta pero wow, pulis siya pero kinaya niya maging kalmado at ipromote ang kapayapaan ng hindi gumagamit ng karahasan. Paano mo nga ba mapapalaganap ang kapayapaan kung gumagamit ka ng karahasan, in the first place? So, nacurious ako sa picture na 'to kaya nagbasa ako ng articles. Mas tumaas pa yung respeto ko sa kanya nang malaman kong umiyak siya habang pinapagalitan siya ng isang foreigner. Tinatanong daw siya nung foreigner kung bakit marahas ang mga pulis, bakit nila yung ginagawa sa mga nagrarally. Basta, basahin niyo na lang ito para ito para malaman niyo talaga yung nangyari. Tsaka galing yan mismo dun sa foreigner na nagalit sa pulis. Yung link na yan, magbubukas ng open letter nung foreigner kay PO1 Joselito Sevilla. At nkakatuwang isiping maski siya ay humanga sa naturang pulis. Nung tinanong daw yung pulis bakit siya umiyak, wala pa daw silang kain at tulog at dalawang araw na silang nakapost dun.
Saludo po ako sayo, PO1 Joselito Sevilla, naging simbolo ka ng pagiging makatao sa pagpapalaganap ng kapayapaan. Karapat-dapat siyang irespeto dahil lalaki siya, pero ipinakita niya yung hirap na nararamdaman niya and to think na pulis pa siya at SONA pa yun, maraming reporters at maproprotesta, grabe talaga. Hindi siya natakot sa mga sasabihin ng iba na nakausot siya ng uniporme ng pulis tapos iiyak-iyak siya. Napagtanto din ng ilan sa mga nagprotesta na may umiiyak na pulis sa harap nila niyakap siya ng isang lalaki at nag-offer naman ng panyo ang isang babae. God bless po, PO1 Joselito Sevilla! *saludo*
Noong Wednesday ng gabi, kumain kami sa Stella Maris tapos 8 p.m. na ata kami natapos kumain. Nung pasakay na ako ng tricycle papunta sa amin, pila sa tricycle! At swear kung taga sa amin ka, madedepress ka kakahintay ng tricycle. Edi ayun, pumila ako pero shet ang habaaaaaaaaaaaaaaa ng pila. "Pinalad!" (lugar yun kung san kami malapit nakatira) Nagulat ako pag lingon ko. Babae yung nagdadrive ng tricycle. Yung dinadrive niya, hindi under ng TODA sa lugar namin, pero kailangan ko na talaga umuwi dahil gabi na non at inaantok na ako. Kaya sumakay na ako kahit alam kong 'mali'. (sorry po haha nakauniform pa ako nun) Kasama niya yung anak niya na naka-uniform pa. Sa High School ng baranggay namin siya nag-aaral. May nadaanan kaming babae na anak din niya pala eh puno nun yung tricycle. Kaya sa harap na lang umangkas yung anak niya na kung di ako nagkakamali ay kasing edad ko pero mas malaman kasi siya. Parang gento
![]() |
| swear, masaya sumakay nang gento hay, childhood days |
Kung bata yung anak niya, okay lang, pero kasi babae tapos malaki na siya. Pinagtitinginan sila ng mga tao. Tapos naririnig ko pa yung nanay sabi niya sa anak niya "pakiss nga sa kili-kili" ganyan, basta nilalambing niya yung anak niya. Along the way, biglang tumigil yung tricycle. May problema daw. bumaba yung isa niyang anak taos tinulak yung tricycle. Babae yun. Tapos, ayun, may inayos, ayos yung nanay dun. At nakakamangha dahil ang galing lang, babae siya. Kaya yung ibang dumadaang tricycles na lalaki yung drivers, tinatanong siya kung ano ang problema. Tapos, ayaw talaga umandar kaya tinulak na lang kami ng isa pang tricycle. Basta, di ko alam paano nangyari kasi dun ako nakaupo sa kahoy na pinapatong lang. Basta, kung di ka pa nakakasakay sa tricycle, di mo ako maiintindihan. Wala pa kami sa kalahati ng daan nung pinalipat kami ng tricycle ni ate kasi ayaw daw talaga maayos. Yung driver ng niipatan naming tricycle, nagkwento na yung asaw daw ni ate, tricycle driver din, tapos yung anak nilang lalaki, ganun din pero sa gabi lang bumabiyahe kasi daw kolorum, walang linya o TODA yung tricycle. Apat daw yung tricycle ng pamilya ni ate.
Nakakatuwang isiping may mga ganong babae. Ipinapakita nila na kaya rin nating mga babae na sumabak sa mga ganong trabaho. Hindi niya pinabayaang magstay lang siya sa bahay nila, mag-asikaso sa mga anak nila tapos hintayin na lang yung asawa niya na magbibigay ng pera na alam nating hindi sa sapat, sa hirap ba naman ng buhay ngayon. Hindi niya ikinakahiya ang kung ano talaga siya. Hindi katulad ng ibang ina na nahihirapan na nga yung mga anak eh may lakas pa ng loob mag-binggo kahit na walang kasiraduhan kung mananalo.



No comments:
Post a Comment