Salamat sa lahat ng mga taong ibinuwis ang kanilang buhay para ang ating bansa ay lumaya. Salamat sa lahat ng pamahalaang nagdaan dahil napangalagaan niyo ang ating kalayaan. Salamat, Panginoon, dahil hindi niyo po pinapabayaan ang aming bansa.
Sana'y mgaing responsable tayong mga Pilipino. Wag magkalat, kung walang basurahan, ilagay mo muna sa bag mo. Napakahalagang bagay ang matuto ng wikang Ingles, ngunit wag kalimutan ang sariling atin, ang wikang Filipino. Marami nang produktong halos, kung hindi man, ay kasing ganda na ng mga produktong sa ibang bansa. Suportahan ang sariling atin! Tingalain natin ang mga rebulto o statwa ng mga bayani, at mga banyagang namuno sa atin. Sana nama'y wag natin sulatan ang mga iyon o di kaya'y nakawin ang mga mamahaling parte ng mga ito. Sumunod sa mga batas. Sinabi na ngang bawal tumawid, tatawid ka pa rin. Respetuhin natin ang ating watawat dahil ito ang representasyon ng ating bansa. Mahalin natin ang ating Inang Bayan.
Mahal ko kayo, mga kapwa Pilipino. Mahal kita, Pilipinas.
Maganda ang klima, masarap makinig ng OPM.
No comments:
Post a Comment