Thursday, August 9, 2012

Live to make yourself happy.

 I do underestimate myself.  Pag kunyari sa quiz or activities, ang baba ko sasabihin ko ang bobo ko. O di kaya pag tumitingin ako minsan sa salamin, sinasabi ko sa sarili kong ugh, not enough ganyan ganyan. Pero narealize ko na ang laki ng kamalian ko dahil ginagawa ko yun. Binuhay ba ako para i-please yung ibang tao at maging sapat sa paningin nila? Of course not. Binuhay ako para maging masaya at gawin lahat ng gusto ko. Tho what others think of me really matters, I know I should value my happiness more than others'. Kung ikakasaya nilang nakikita akong babaliw-baliw, masaya din ako dun kaya okay lang. =))))) Let's say you've changed yourself intentionally para lang matanggap ka ng iba and natanggap ka nga nila ganyan pero you're not comfortable with what you're doing, itgil mo na yan. Kasi imaginin mo ha, masaya sila, napapasaya mo sila, tanggap ka nila pero ikaw sa loob loob mo, malungkot ka. Ang pangit. Dapat ikaw yung unang nasisiyahan sa ginagawa mo at tanggap mo ang sarili mo. Basta ako, masaya ako sa lahat ng ginagawa ko. Lahat ng pautot ko sa buhay, tanggap ko.Yun lang, basta be happy! //paalam

No comments:

Post a Comment