Natutuliro, naguguluhan
Dahil di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Hindi ka maalis sa aking isipan
Oo, ikaw
Katalinuhan at taglay mong lakas
Ngiti mong kay tamis at pilikmata mong nakataas
Kakulitan at kabaitan, mula sa iyo ay hindi makalas
Ito ay hindi ko pa nadama noon
Pag nakikita ka'y tila nadadala ng alon
Dahil sa saya, parang gusto kong tumalon
Oo, ikaw
Pero hindi ko alam paano sasabihin sa iyo
Mahirap na dahil biglang magbabago ang mundo
Inisip kong pagtingin sa iyo ay palipasin
Parang peklat, ito ay maglalaho rin
Iihipan ko na ito at tuluyang papaliparin
Ngunit ako ay nagkamali
Kailangan kong ipahayag ang damdaming di mawari
Isang gabi, ako ay gumawa ng sulat
Ang aking saloobin, naiisip at lahat
Wala na akong pakialam kung ito ay balewala sa iyo
Ang mahalaga'y napalaya ko na ang sarili ko
Mundo natin ay biglang natahimik
Dating magkakulita'y biglang walang imik
Napaisip akong hindi ko na dapat ginawa iyon
Pagkakaibigan natin dati ay nasaan na ngayon?
Tinatalikuran kita kapag ako'y iyong kinakausap
Tila hindi ko na yata kayang sa iyo ay humarap
Napapatingin na lang ako sa alapaap
At napapaisip na, "Hay, ito ang aking pangarap"
Nagusap tayo sa tapat ng eroplano
Tinatanong mo kung ano ang aking plano
Hindi ako makasagot
Puso at isip ko ay parang kinukurot
Umamin ka at sinabing ako ay gusto mo rin
Nagtataka ka kung bakit ikaw ay hindi ko pinapansin
Luha
Tila gustong tumulo mula sa aking mga mata
Buti na lang inihayag ko ang lahat gamit ang tinta
Nang gabi ring yun ay sinabi kong "Oo"
Oo, gusto kitang makasama
Oo, ikaw ang hinahanap ko sa tuwina
Oo, ikaw
Ikaw ang pangarap na akala ko'y di mapapasakin
Susuportahan kita ano man ang gusto mong gawin
Basta lagi mong tandaan na ikaw ay akin
Minsan, ako ay natutulala
Sa Diyos ay napakarami kong sala
Pero napakabuti niya at binigyan ako ng himala
Marami pang taon ang naghihintay
Saya, tamis, lungkot at pait ay parte ng buhay
Kakayanin ang lahat basta ikaw ang karamay
Oo, ikaw
No comments:
Post a Comment