...well, almost
Alas tress ng hapon, ako ay nasa salon. Nagpapakulot ng buhok. Di pa naman kasi ganon kakulot yung buhok ko dati. Kumpleto na ang lahat, plantsado na yung uniform ko, nakabili na kami ng bagong sapatos, andyan na yung pinsan ko para make-up-an ako. Umuwi na ako galing salon. Naalala ko, wala pa akong bagong medyas. Maarte ako, ayaw kong magmartsa na lumang medyas yung suot ko. Isinuot ko na ang uniform ko, minake-up-an na ako ng pinsan ko. Dumating si tita, at may dala syang medyas!!! Alas singko ng hapon, nasa school na kami. Ayan na. Magmamartsa na. Aww ang sarap ng feeling magmartsa. <3 Ayan na. Iproproclaim na na graduates na kami. Da feels, man! Bigayan na ng diploma. Ayan na. Bibigyan na ng medals yung nanalo sa ACALITMUS )Academics, Literary, and Musical). Nanalo kasi ako nun sa talumpati, tapos yung bestfriend ko naman, sa declamation. Aww those feels. Pinilit nya kasi talaga ako sumali sa talumpati. And nanalo rin ako sa Science quiz bee. Ugh ang sarap sa feeling na may dalawang medals na ako. Kami pa ngang dalawa ng crush ko yung representatives ng section nmain nun eh. Tapos alam mo yung feeling na parang gusto ko nun magpatalo para sa kanya kasi sya yung pangalawa. Huhuhu But wait, there's more! 6th honors kasi ako nun, tapos 7th honors naman yung kambal ko. 'Kambal' na ang naging tawagan namin kasi madalas talagang parehas scores namin dati sa lahat kahit di kami nagkopyahan, kasi di pa yun uso sakin dati. Actually, nung lumabas yung list nung top ten para sa graduation, tie talaga kami ni kambal. Nagkatalo lang sa iisang extra-curricular activity. Tapos, tapos na. Hindi na ako elementary. Lilipat na ako ng school dahil pumasa ako sa Pasig City Science High School.
Graduation is only three months away! Siguro miss na ng tatay kong umakyat ng stage every Recognition day. Nagstop na kasi pagtungtong ko ng highschool eh. Huhuhu I love my highschool friends. Tho I am ambivalent towards graduation. I think everyone is, too. Kasi nakakalungkot kasi next year nasa bigger world na kami. And by bigger world, I mean college. And magkakaiba pa kami ng papasukang colleges. Masaya kasi nakakastress talaga sa school namin. Hahahaha Katulad ngayon, stressed kami dahil sa SBF. Ang hirap magbudget.
Tsaka nakausap ko rin kasi yung elementary friends ko. Alam mo yung feeling na tatanungin ka nila "Saan ka mag-cocollege?" :(((((( And I got the chance to talk with my very good friend na ngayon ay candidate for valedictorian, sya yung salutatorian namin nung elementary.
Happy Graduation, friends!
No comments:
Post a Comment