Monday, August 6, 2012

Salamat, Lord

One week na atang umuulan eh. At hindi lang siya normal na ulan, malakas na ulan. So, pumunta kami kanina nila Ada at Francia sa Crossings. After an hour ata, we decided na uuwi na. Hinintay kong makasakay si Francia then tumawid na ako. I waited for like twenty minutes para sa jeep pero lahat puno o di kaya, nauunahan ako nung ibang commuters sumakay. Hello, wala kaya akong payong =))))) Tricycle na lang sinakyan ko. Nung malapit na sa palengke yung tricycle, bumuhos ang malakas na ulan, malakas na malakas na ulan. Syempre kinakabahan ako kasi wala akong payong. Pagbaba ko, tumakbo ako =)))))) Tapos may daanan akong bilihan ng payong kaya bumili ako. Nung papunta na ako sa sakayan, baha na. Hanggang binti. Kadiri pa naman yung baha. May mga ipis, upos ng sigarilyo at mga basura. Pila yung tricycle grabe mga twenty minutes ulit ako naghintay bago ako nakasakay. Buti na lang, hindi ko talaga kinailangang lumusong sa baha. Tapos habang umaandar yung tricycle, nararamdaman ko na talaga yung tubig na malapit na sa floor nung tricycle. Nakakakaba lang talaga. Buti na lang, hanggang dun lang sa Jasmin yung baha at medyo malayo sa amin yon. Kailangan mo pa sumakay. Habang nakasakay ako, iniisip kong pano pag nastranded kami pano pag ganyan pero naalala kong dapat ako magpasalamat kasi buti hanggang dun lang yung baha at hindi masyado mataas. Buti na lang hinihintay ako ni papa sa kanto ng street namin. Buti na lang hindi nangiiwan si God. Salamat,Lord. You truly are the greatest. //paalam

No comments:

Post a Comment