Monday, February 6, 2017

CCQ PROBLEMS

I hate it everytime I have to post as guard because it means I would not be able to talk to you for a day.

I wonder how you're doing, what time did you sleep last night, are happy or sad or griping or whatever, are you thinking of me too.

But I also come to realizations that when we graduate, situation will be much worse. A day without talking to you might go for weeks and months. We will be distant from each other, busy with our respective assignments. Hay. I wonder how I could handle my emotions. 

But always remember that wherever you go, even if we'd be in the different sides of the world, even if I won't be able to see you or even to talk to you, even if we won't be together during special occasions even during hard times, I will always wait for you. I will always pray for you. I will always love you.

Monday, January 9, 2017

Dear Poshish,

To one of the few people in Cadet Corps whom I can be my complete self with. Sa kasama ko sa lahat ng kabaliwan, katamaran, at kadramahan. Sa squadmate kong pabebe talaga inside. Sa posis kong I can say pinakaclose ko sa lahat. My confidant. A person who strengthens me to do things. Strengthens me to make paniga. Kidding aside, I am proud of this girl. Simula sa rotment mo sa acads nung porshmen tayo, I am proud that you already changed. You are now more motivated to study. Pati sa PFT, basta. I am so happy to see you grow. We've got to hurdle Calculus tapos squadleaders na tayo tapos first class na tapos Ensign ka na. Yeeees.

I wish you all the best, posis. Happiness, success, good health, (stick-to-one)love life.
I will always be here to listen to you, to cry with you, roll with you, judge people with you, do weird things with you. 

God bless you, posis.
I love youuuuuuuuuuuuuuu!










Saturday, December 31, 2016


I want to know you more and spend more memories with you this year, Tiger.
I love you so much!

Tuesday, November 29, 2016

Natutuliro, naguguluhan
Dahil di ko maintindihan ang aking nararamdaman
Hindi ka maalis sa aking isipan
Oo, ikaw
Katalinuhan at taglay mong lakas
Ngiti mong kay tamis at pilikmata mong nakataas
Kakulitan at kabaitan, mula sa iyo ay hindi makalas
Ito ay hindi ko pa nadama noon
Pag nakikita ka'y tila nadadala ng alon
Dahil sa saya, parang gusto kong tumalon
Oo, ikaw
Pero hindi ko alam paano sasabihin sa iyo
Mahirap na dahil biglang magbabago ang mundo
Inisip kong pagtingin sa iyo ay palipasin
Parang peklat, ito ay maglalaho rin
Iihipan ko na ito at tuluyang papaliparin
Ngunit ako ay nagkamali
Kailangan kong ipahayag ang damdaming di mawari
Isang gabi, ako ay gumawa ng sulat
Ang aking saloobin, naiisip at lahat
Wala na akong pakialam kung ito ay balewala sa iyo
Ang mahalaga'y napalaya ko na ang sarili ko
Mundo natin ay biglang natahimik
Dating magkakulita'y biglang walang imik
Napaisip akong hindi ko na dapat ginawa iyon
Pagkakaibigan natin dati ay nasaan na ngayon?
Tinatalikuran kita kapag ako'y iyong kinakausap
Tila hindi ko na yata kayang sa iyo ay humarap
Napapatingin na lang ako sa alapaap
At napapaisip na, "Hay, ito ang aking pangarap"
Nagusap tayo sa tapat ng eroplano
Tinatanong mo kung ano ang aking plano
Hindi ako makasagot
Puso at isip ko ay parang kinukurot
Umamin ka at sinabing ako ay gusto mo rin
Nagtataka ka kung bakit ikaw ay hindi ko pinapansin
Luha
Tila gustong tumulo mula sa aking mga mata
Buti na lang inihayag ko ang lahat gamit ang tinta
Nang gabi ring yun ay sinabi kong "Oo"
Oo, gusto kitang makasama
Oo, ikaw ang hinahanap ko sa tuwina
Oo, ikaw
Ikaw ang pangarap na akala ko'y di mapapasakin
Susuportahan kita ano man ang gusto mong gawin
Basta lagi mong tandaan na ikaw ay akin
Minsan, ako ay natutulala
Sa Diyos ay napakarami kong sala
Pero napakabuti niya at binigyan ako ng himala
Marami pang taon ang naghihintay
Saya, tamis, lungkot at pait ay parte ng buhay
Kakayanin ang lahat basta ikaw ang karamay
Oo, ikaw
















Saturday, November 19, 2016

Ugh

Di ka man lang nakausap ngayong araw
Di ka pa talaga nagsabing mago-OB ka
Wala naman kasing upperclass kanina sa EI room, pwede ka naman pumasok
Anong gusto mo, ako na lang magapproach sayo
So ganon na lang, hanggang titinginan na lang sa pinto?
Ugh

Tuesday, November 15, 2016

Dear Vince,

Hayop ka talaga sa offense, eh.
Ilang gabi na ko sleep-deprived kasi di ako makatulog agad.
Dahil sa kaiisip sayo.

Alam mo bang gusto kong maiyak kagabi. Kasi hindi ko ineexpect, promise. All I thought was one-sided lang ang lahat. Akala ko nga may girlfriend ka eh. Kwinento mo sakin na nagkasabay kayo ni Cdt Accad sa kissing rock, remember? Ang lungkot ko nun, promise. Sapakin talaga kita kung isasabay mo ako sa iba. Pramis. Sinasabihan na kita, selosa ako. And sorry because I didn't give you a chance to voice out your side. Sorry na lagi na lang akong umiiwas. Sorry, speechless talaga ako kagabi sa kilig.

Hay. 
Gusto kitang lambingin, all right. Kaso ayoko magaya sa iba. Ayokong maendorse tayong dalawa. Kaya sa ganitong paraan na lang kita lalambingin, para di tayo ma-endorse. Unless ipabasa mo ulit sa iba. Hahahaha. Oo nga pala, etong blog kong to, civies pa ako nito kaya walang nakakaalam na kadete neto. Ikaw lang. 

Diba, sa tapat ng Airforce na plane tayo nagusap kagabi? Alam mo bang dun talaga ako nagppraay after evening mess. Pag nalolowmorale ako, wala, nakatayo lang ako dun, tinitignan yung plane. Iniisip kong mapupunta ako sa Airforce. Tapos, nahahigh morale na ko.

And you even made that place extra special.

*feelingera mode on*

Wag mo naman ako masyadong tignan. NYAHAHAHA.
Bigyan mo rin ako ng time na titigan ka pls.

Shet hayop ka sa push up, yung akin, kalahati lang nung iyo.
Bigyan mo naman ako pleasheeeee.

I'll always be here to listen to you. Wag ka maghesitate na magsabi or magkwento sakin. Hahaha. Di kita i-isnob-in. Wag ka mag-alala. I want to share my laughter with you. I promise to always try my best to understand. 
Basta ang alam ko, you make me happy and I want this happiness to always stay.

Wednesday, November 2, 2016

I tried

Sinubukan kong iwasan ka, di ka pansinin buong araw


Kaso kulang yung araw ko.
Kulang pag wala ka.